Sa simula kailangan mo magkaron ng magandang ekonomiya. Para magawa ito kailangan mo palawakin ang 18 na pinagkukunan ng likas-yaman (kabuuang pananaw sa baryo). Mayroong apat na uri ng mga kayamanan: Magtroroso, Putikan, Minahan ng Bakal at Bukirin. Pag click mo sa isa sa mga ito, makakakuha ka ng mga impormasyon at kung papaano papalawakin ito.

Sa pagtagal ng laro magiging mahalaga ang mga gusali sa baryo. Para makapagtayo ng mga bagong gusali kailangan mo i-click ang mga berdeng bilog. Ang mga lista ng mga gusaling pwedeng ipatayo ay lalabas.

Ilan sa mga gusali ay magagawa lamang kung nakapagpatayo ka na ng ibang gusaling kailangan nito.

Pangunahing Gusali


Pangunahing Gusali

Sa pangunahing gusali ng baryo nakatira ang mga maestrong manggagawa. Sa pagtaas ng antas nito bumibilis ang paggawa ng mga bagong gusali.

Adbentahe ng Tribo:
Mga Romano: Makagagawa ng gusali at makakapagpalawak ng pinagkukunan ng likas-yaman ng sabay.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 70 | Putik 40 | Bakal 60 | Pananim 20 | Pagkain 2 | 0:33:20

Mga kailangan:
wala

Bodega


Bodega

Sa Bodega tinatago ang mga kayamanang kahoy, putik at bakal. Sa pagtaas ng antas nito tumataas din ang kapasidad ng bodega mo.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 130 | Putik 160 | Bakal 90 | Pananim 40 | Pagkain 1 | 0:33:20

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 1

Kamalig


Kamalig

Sa kamalig tinatago ang mga pananim mula sa iyong bukirin. Sa pagtaas ng antas nito tumataas din ang kapasidad ng kamalig mo.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 80 | Putik 100 | Bakal 70 | Pananim 20 | Pagkain 1 | 0:26:40

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 1

Sulukan


Sulukan

Ang Sulukan ay ginagamit para itago ang iba mong mga kayamanan pag nilulusob ang baryo mo. Hindi mananakaw ang mga kayamanan dito. Sa antas na 1, 100 na kayamanan ang hindi mananakaw.

Adbentahe ng Tribo:
Mga Gaul: Ang Sulukan ay dalawang beses na mas malaki
Mga Teutono: Ang kalaban ay makapatatago lamang ng 66% sa normal na dami nito.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 40 | Putik 50 | Bakal 30 | Pananim 10 | Pagkain 0 | 0:12:30

Mga kailangan:
wala

Embahada


Embahada

Para makasali sa alyansa kailangan mo ng embahada. Sa antas 3 ng embahada maari kang magtatag ng sariling alyansa. Sa pag taas ng antas nito dumadami ng 3 ang pinakamalaking bilang ng maari mong maging kaalyansa.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 180 | Putik 130 | Bakal 150 | Pananim 80 | Pagkain 3 | 0:33:20

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 1

Pook Tipunan


Pook Tipunan

Sa pook tipunan mauutusan mo ang iyong hukbo at makikita mo kung sino ang nagpadala ng mga parating na mga hukbo. Ang pook tipunan ay maari lamang mapagawa sa gawing kanan ng gitna ng baryo mo. Sa pagtaas ng antas nito dumdami ang maaring asintahin ng catapults mo.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 110 | Putik 160 | Bakal 90 | Pananim 70 | Pagkain 1 | 0:33:20

Mga kailangan:
wala

Palengke


Palengke

Sa palengke maari kang makipag palitan ng mga likas-yaman sa ibang mga manlalaro. Sa pagtaas na antas nito, mas maraming likas-yaman ang maari mong dalhin ng sabay sabay

Adbentahe ng Tribo:
Mga Romano: Bawat mga mangangalakal ay makapag dadala ng 500 na likas-yaman.
Bilis: 16 na bukid kada oras
Mga Teutono: Bawat mga mangangalakal ay makapag dadala ng 1000 likas-yaman.
Bilis: 12 na bukid kada oras.
Mga Gaul: Bawat mga mangangalakal ay makapag dadala ng 750 na likas-yaman.
Bilis: 24 na bukid kada oras.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 80 | Putik 70 | Bakal 120 | Pananim 70 | Pagkain 4 | 0:30:00

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 3, Bodega antas 1, Kamalig antas 1

Kwartel


Kwartel

Sa Kwartel sinasanay ang mga hukbong-lakad. Sa pagtaas ng antas nito bumibilis ang pagsasanay ng mga hukbo.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 210 | Putik 140 | Bakal 260 | Pananim 120 | Pagkain 4 | 0:33:20

Mga kailangan:
Pook Tipunan antas 1, Pangunahing Gusali antas 3

Kuwadra


Kuwadra

Sa Kuwadra nagsasanay ang mga kabalyero. Sa pagtaas ng antas nito, mas bumibilis ang pagsasanay.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 260 | Putik 140 | Bakal 220 | Pananim 100 | Pagkain 5 | 0:36:40

Mga kailangan:
Pandayan antas 3, Akademya antas 5

Talyer


Talyer

Sa Talyer ginagawa ang mga makinaryang pangubkob gaya ng mga catapult at mga ram. Sa pagtaas ng antas nito mas bumibibilis ang paggawa.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 460 | Putik 510 | Bakal 600 | Pananim 320 | Pagkain 3 | 0:50:00

Mga kailangan:
Akademya antas 10, Pangunahing Gusali antas 5

Akademya


Akademya

Sa Akademya ginagawa ang mga bagong uri ng sundalo. Sa pagtaas ng antas nito makakapag saliksik ng mas magagaling na sundalo.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 220 | Putik 160 | Bakal 90 | Pananim 40 | Pagkain 4 | 0:33:20

Mga kailangan:
Kwartel antas 3, Pangunahing Gusali antas 3

Pandayan


Pandayan

Sa Pandayan pinapatibay ang mga sandata. Sa pagtaas ng antas nito makakagawa ng mas mainam na sandata.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 170 | Putik 200 | Bakal 380 | Pananim 130 | Pagkain 4 | 0:33:20

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 3, Akademya antas 3

Balutian


Balutian

Sa Balutian pinapatibay ang mga baluti. Sa pagtaas ng antas nito makakagawa ng mas matibay na baluti.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 130 | Putik 210 | Bakal 410 | Pananim 130 | Pagkain 4 | 0:33:20

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 3, Akademya antas 1

Palasyo


Palasyo

Sa Palasyo nakatira ang hari at reyna ng emperyo. Maaari lamang gumawa ng isang palasyo sa isang baryo at maaring gamitin para gawing kapitolyo ang baryo at hindi na maaring sakupin pagkatapos.

Sa antas na 10, 15, at 20 tatlong mamamahay o isang administrador (Senador, Hepe, Pangunahing pinuno) ang maaring sanayin.

Ang kapitolyo ang tanging lugar kung saan maitatayo ang Mason ng bato. Dagdag pa rito ang antas ng pinagkukunan ng kaymanan ay maaring lumagpas ng 10 antas.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 550 | Putik 800 | Bakal 750 | Pananim 250 | Pagkain 1 | 1:23:20

Mga kailangan:
Embahada antas 1, Pangunahing Gusali antas 5, Residensya

Residensya


Residensya

Ang Residensya ay maliit na palasyo, kung saan tumitira ang hari at reyna kapag sila ay dumadalaw sa baryo. Ang residensya ang nagbibigay proteksyon sa baryo laban sa mga kalabang gustong sumakop dito habang hindi pa nasisira ito.

Sa antas na 10 at 20 tatlong mamamahay o isang administrador (Senador, Hepe, Pangunahing pinuno) ang maaring sanayin.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 580 | Putik 460 | Bakal 350 | Pananim 180 | Pagkain 1 | 0:33:20

Mga kailangan:
Pangunahing Gusali antas 5, Palasyo

Opisina ng kalakalan


Opisina ng kalakalan

Sa Opisina ng Kalakalan pinapahusay at dinadagdagan ng malalakas na kabayo ang kariton ng mangangalakal. Sa pagtaas ng antas nito mas dumadami ang maaring dalhin ng mga mangagalakal.

Sa bawat antas tumataas ang kapasidad ng 10%. Sa antas na 20 ang mga mangangalakal ay makakapagdala ng tatlong beses na mas malaki sa normal.

Adbentahe ng Tribo:
Romano: Sa Travian version 3.5 ang opisina ng kalakalan ay lumalawig ng kapasidad ng 10% kada antas.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 1400 | Putik 1330 | Bakal 1200 | Pananim 400 | Pagkain 3 | 0:50:00

Mga kailangan:
Palengke antas 20, Kuwadra antas 10

Praktisan


Praktisan

Sa Praktisan sinasanay ng iyong mga hukbo ang kanilang tatag. Sa pag upgrade nito bumibilis ang hukbo sa distansya na hindi tataas sa 30 parisukat.

Halaga at oras ng paggawa sa antas na 1:
Troso 1750 | Putik 2250 | Bakal 1530 | Pananim 240 | Pagkain 1 | 0:58:20

Mga kailangan:
Pook Tipunan antas 15

Ang pagkakasunod ng paggawa ng mga gusali ay makikita sa Travian FAQ.

Newsbox-1
Paalala,

Ang mga CAPTCHA po ay lumilitaw kapag napapansin ng server na laging online ang account, may kahina-hinalang mga aktibidad, bukod pa sa ibang mga bagay. Importante po na sagutan ito lagi upang maiwasan ang pagkakaban.

Salamat,
ezra


Reminder,

The CAPTCHA appears automatically when the server detects that an account is suspiciously always online, when an abnormality with the account is present, among other things. It is important to answer this to prevent your account from being banned.

Regards
ezra
Newsbox-2
Isang pagbati,

Ang Server 3 ay nagsimula na noong ika-11 ng Agosto.

Sumasainyo,
ezra


Greetings,

Server 3 has started on the 11th of August.

Regards,
ezra
FAQ | Screenshots | Links | Mga alituntunin sa laro | Kasunduan | Imprenta
Choose your World Schließen
Mga manlalaro: 6004
Online: 79
ph3 login
Mga manlalaro: 2607
Online: 54
ph1 login
1897
50
ph2 login
3434
191
phx login
Choose your WorldSchließen
Mga manlalaro: 6004
Online: 79
ph3 pagpapatala
Mga manlalaro: 2607
Online: 54
ph1 pagpapatala